Isang Taon.
Isang taon na rin ata ang lumipas.Napaka daming ng pagbabago. Minsan hindi ko na makilala ang sarili ko. Ibang-iba na ang itsura ko, at least, sa paningin ko. Sa loob ng isang taon, ang dami kong narining. Ang dami kong pinagdaanan. Ang daming luha. Ang daming tawa. Ang dami kong taong nakilala. Ang daming taong dumating sa buhay ko. May ibang nanatiling parte ng ikot ng mundo ko, may ibang naglaho na lang parang bula. May ibang kahit sa alala, parang nabubura na.
Isang taon.
Ng pagdudusa? Ng sakit? Hindi nanan. Ng saya? Ng ligaya? Pwede. Hindi rin. Halo. Halo-halo. Pero sa lahat ng pinagdaanan ko sa loob ng isang taon, sa lahat ng 'yon may natutunan ako. May aral akong napulot. Kahit na marami sa aral na 'yon ay halos ipalamon na sakin ng sapilitan ng mundo. Hindi lang ata ako inuntog ng mundo, hindi lang minulat ang mga mata ko sa katotohanan, ukol sa mga bagay na buong pilit kong ipinaglaban. Sa loob ng isang taon ang pinaka mahalagang natutunan ko ay ang pag-tanggap na mali ako. MALI AKO.
Isang taon.
Isang taon kong naririnig sa lahat an tugkol sa katapangan ko. "Idol" daw nila ako, kung sila daw ang tatahak sa landas na tinatahak ko, hindi daw nila kakayanin. Napaka tapang ko daw. Bilib daw sila sa akin. Matibay daw ang dibdib ko. Meron pang sa sobrnag hanga sa akin ay parang naiinggit pa. HINDI NAKAKATUWA.
Hindi ako matapang, hindi ako pinanganak na matapang. Kinailangan kong maging matapang. Dulot ng katangahan ang tapang na taglay ko ngayon. Dulot ng katigasan ng ulo. Dahil sa hilig kong mag-magaling kaya ako andito sa daanang ito. Hindi ko pwedeng sabihing hindi ko ito ginusto. Alam ko noon pa kung saan ako maaring humatong sa landas na pilit kong tinahak. Pero dahil DUWAG akong humindi at dahil nga ubod ng tigas ang ulo ko, patuloy akong naglakad. Hanggang sa nadapa ako. Nasugatan muli ang hindi pa naman talagang humihilom na peklat. Kaya kinailangan kong maging matapang. Hindi ko naman talaga kakailanganin ang tapang na meron ako ngayon kung hindi ako naging tanga noon.
Isang taon.
Matagal na ba 'yon? Ang dami ko pang pagdadaaanan. Ang dami pang kakainin na bigas. Ang dami pang dapat mangyari. Mangyayari. Handa nga ba ako para sa susunod pang isang taon? ....... Bahala na. Gagamitin ko na lang itong tapang na meron ako. Lahat ng aral na natutunan ko. Lahat ng tawang itinawa ko, luhang iniyak ko. Andyan naman ang mga taong piniling manatiling parte ng buhay ko. At may Diyos naman akong kinikilala. Hindi Niya ako pinabayaan. Hindi Niya kami pababayaan.
Panahon na para sa isa pang taon. Panahon na para muling bumangon, muling maglakad para sa mas magandang taon.
Lumipas na ang isang taon. Panahon na para sa susunod na kabanata.