Thursday, November 19, 2009

this one's about love.

Ano bang dapat ginagawa kapg magmamahal ka pero ayaw kang bigyan ng pagkakataon na mahlin sya? yung tipong, willing ka ibigay lahat, tapos ayaw niya. Sasabihin sayo "you're too good for me" kulang nlang bumanat ng "its not you, its me..." At kakapilit mo,at kakapilit ninyong dalawa, bigla syang mawawala, bakit? kase takot siya? kase tamang paasa sya? kase kahit anong tumbling mo di mo malalaman..

Dito umiikot ang usapan namin ng kaibigang kong di mo mawari. Ang payo ko? Wag nang pagaksayahan ng panahon ang taong papilit, pacute at tamang nagmamaganda. Bakit pa? kase mahal mo sya? di yan totoo,nabubuhay ka na lang sa sangdamukal na "what if" at kapag di mo pinilit iahon ang sarili mo, kakainin ka nito ng buhay,at walng kalaban laban.

Isa pang usapang pag-ibig,pano namn kung nagmamahalan na kayong dalawa, tapos ang saya saya mo,para ka nang nasa langit,para sayo, nothing could go wrong. Sabay babanatan ka ng : "Mahal mo pa ba ako?" Wapaak! Wooh..TUMBLING - SPLIT - BACK DIVE ka ngayon, iispin mo, "huh, bakit, may kulang pa ba?". "Hindi pa ba sapat? Anong bawi ang gagawin ko? Makakabawi pa ba ako?" Isip isip ka ngayon, mababaliw ka...

Walang nang mas sasakit pa sa kapag nagdalawang isip na ang taong mahal mo, bakit? Kasi ibinigay mo na ang lahat eh, tapos isang mali mo lang, magiisip na sya kung mahal mo pa ba sya, maaring napuno nlang ang taong ito sayo, pero naman! Kung talagang tiwala ka sa pagmamahal na binibigay nya sayo una palang, dapat hindi ka na nagdalawang isip pa.

Love? Walang makakaexplain nyan ehh...magulo at malabo. Masakit na masaya. Masarap na mapakla. At kahit ayaw ko sana na ganto ang kalabasan ng blog na toh, nagiging totoo lang ako sa sarili ko.

Minsan kang magmamahal ng taong mamahalihn ka din pero pakakawalan ka, bakit? maraming dahilan...pero ang ending? hindi sya ang taong pra sayo. Sa dami ng dahilan maguguluhan ka, pero isa lang ang dapat na isipin ng taong bigo sa pagibig...alam mo kung ano?

Hindi ko din alam.

Dahil tulad ng karamihan, hanggang ngayon, pinagiisipan ko parin yan.

Isa pa,

Kung ang taong mahal ko, ay nagdadalawang isip sa tunay na nararamdaman ko para sa kanya, alam nyo kung anong gagawin ko??

Hindi ko parin alam.

Bakit? Anong bang dapat, and ipilit na ipamukha sa kanya na mahal ko sya o ang hayaan na lang ba sya ang makatuklasan nun? Is it his call? kasalanan ba nya na hindi nya maramdaman at tinake for granted ang lahat? O kasalan ko, dahil naging comfortable ako na alam nyang mahal ko sya?

Sa dalawang sitwasyon na isinulat ngayon.

Walang may kasalan.

Magulo lang talaga.

Masakit isipin.

Nakakaparalisa.

Kaya kung ako, tulad ng nakasanayan ko na.

Hayaan nalang na ang panahon at ang oras ang maghilom at ang sumagot ng lahat.

Sa ngayon, yaman din lamang at wala akong magawa:


ABSORB AND LET GO.

peace.

No comments:

Post a Comment