Wednesday, March 31, 2010

N.I.P.S

nung bata ako lagi akong NOT IN PROPER SEAT,
siguro, sign na un na lalaki akong ndi alam kung san ang kalalagayn ko..

lagi din ako noisy..
pahiwatig na maingay talaga ang mundo ko...

Standing din lagi,
ibig sabihin siguro kahit kelan hindi ako mapapalagay sa isang lugar.

Nung grade school ako, nabato ako ng libro ng principal..
siguro, sign un na babatuhin ako lagi....

nung HS naman, dakilang side kick ako,
senyales na lagi ako nasa tabi ng taong mas makapangyarihan sakin...

Pero bata pa ako nun,
matanda na ako ngaun...

Wala ng naglilista ng NIPS, NOISY at standing...
experience na ang mahalaga...

pero ayos na din....
kase hanggang may tanong pa sa utak ko..


ibig sabihin,
madami pa akong matutuklasan....

mahaba pa ang buhay....

Kaya, ok lang..
NIPS man ako ngaun...
Noisy....
Standing....



at least wala ng teacher na magpapatawag ng magulang...

hindi kelanman masususpend,
maliban kung hahayaan ko ang sarili ko mastranded.

No comments:

Post a Comment