Hindi ko alam kung bakit nakuha nya ang atensyon ko,
tamang tambay, dun sa lugawan ni Kuya Lan, malapit kila ate charlotte, isang liko bago kila ate shellane.
Andun lang sya, tamang tugtug ng gitara, yung gitarang niluma na ng panahon, yung parng tinagpi tagpi na lang ng sticker, hindi ko naman ma-pick up kung anong tinutugtog nya...
Ang gulo ng mala afro nyang buhok, siguro, malamang sa hindi, wala pang ligo-ligo yung si kuya. halatang kakagising lang...
Samantalang ako pauwi palang.
Haaay...Si kuya, ano kayang iniisip nya?
Tambay. Ang sarap isipin. Uupo ka lang kung san mo matipuhan, tapos magmumuni-muni ka na... Tamang soundtrip. Kung may makakain at pang kain, edi food trip.
Si Kuyang tambay... Salamat.
Sa hinaba ng araw ko, ginising mo ko... Hindi ko man nakuha kung ano yung tinutugtog mo, nakuha mo naman ang hinagap ng tulog na isip ko. Tambay man kung tawagin, pareho lang tayo... Dinadaan sa sa pa weather-weather lang ang buhay. Hindi man ako tumatambay sa kanto tulad mo, nakatambay naman ang utak ko, baka maraming ka pang napuntahan sa lawak ng napagisipan mo. Pero sabi ko nga, marahil magkatulad tayo.... Hilo sa kaiisip. Pagod. At tulad nga ng madalas nating naririnig sa mga kahenerasyon natin, STRESSED ka din siguro.
Tambay.
Kuyang Tambay.
Sana pag nakita kita ulit, maintindihan ko na kung ano yung tinutugtog mo.
No comments:
Post a Comment