Kagilalas- gilalas...
ni hindi ko lubos maisip,
si kuyang tambay, hala ayon at wala na sa ulirat...
Naalala nyo?
Si kuya sa lugawan? ilang lakad lagpas kila ate shellane, malapit kila ate charlotte.
Si kuya na tinugtugan ako ng hindi ko mawaring musika gamit ang gitara nyang tagpi tagpi ng sticker na galing sa mga pulitikong napadaan nung mga nakaraang halalan?
Tila gitara nalang nikuaya ang sandalan nya...
Aun sya, patawa tawa mag isa,
nagsasalitang mag-isa...
pero tumutugtog parin ng musika.
-- na sa tingin ko, ay ang nagiisang kakampi niya.
Anong nangyari kuya? bakit ka nagpatalo?
Akala ko pa naman, eh sa kagaya mo nakahanap ako ng isang modelo ng buhay ko.
Abstract model ng buhay ko...
tssk....
nakahihinyang, ni minsan hindi kita tiningnan mata sa mata.
Ngaun ginawa ko, tila blanko ang iyong buhay.
Nilamon ka na daw ng droga?
Hindi makatarungan.
Sinsero ang lungkot na nadadama ko.
Pero gayon pa man,
salamat.
Tuloy ang laban para sa akin,
at kahit na ako na lang ang malinaw mag isip sa ating dalawa ngayon,
alam ko,
mas malayo na ang narating mo sakin.
Ingat sa kawalan.
Alam kong hindi tayo magkikita dyan.
Hindi pa naman huli ang lahat para sayo kuyang tambay, na hanggang ngaun ay afro parin ang buhok...
Eto ang dasal ko para sa'yo.
hala sige...
tugtog pa...
Kahit dyan man lang, makapag pahinga ka.
No comments:
Post a Comment